Saturday, March 12, 2011

Nawawala, Naiwala, Wala na

May mga araw talaga na sadya tayong tatanga tanga. Hinde dahil mababa ang IQ naten pero, may mga pangyayare na ewan ba natin kung bakit nangyayare at sadyang kinulang tayo sa pagtantya ng mga maaring mangyare. Isa na dyan ay ang pagkawala ng mga gamit. May pinagawa kasi akong gamit kanina. Hinde ko pa nauuwe sa bahay, naiwala ko na kaagad! nitong linggo bumili ako ng maliit na gunting, hala nawawala din! nakakainis. May mga bagay talaga na hinde mo malaman kung anong katangahan eh naiwan mo o namisplace mo.

Eto ang mga gamit na kadalasan ay madaling mawala.

1. Cellphone - huwag na huwag ilalagay sa bulsa ang cellphone. Ito ay madaling malalaglag. lalo na kung ikaw ay nagcocommute lang, Siguraduhing meron kang bag at dun mo ilagay. Wag mo ilalagay sa bulsa ng bag.

2. Payong - naiiwan ito madalas kapag nagcocommute o kaya ay nagpupunta sa kung saang lugar.

3. Panyo - kung saan saan na napunta naglaho na ng parang bula

4.USB masyadong maliit kaya kadalasay nawawala. Upang maiwasang mawala, lagyan ito ng kwintas.\

5. Susi - madali itong mawala as in. gumawa ng duplicate, lagyan ng kwintas

6. ID madalas suot-tanggal-suot at sa susunod wala ka ng maisuot di mo na malaman kung san mo nailagay.

7. Ballpen

8.hikaw

9.presence of mind

10.pera

11.tweezers,nailcutter

at kung anu anu pa. Moral lesson: Organize your things. Always bring a bag with you wherever you go. Dont place anything in the pockets of your jeans specially skinny jeans.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...